Cabinet revamp hirit

MANILA, Philippines - Hinikayat si Pangulong Aquino ng isa niyang kaal­yado at opisyal ng Liberal Party (LP) na magsagawa ng revamp sa mga cabinet members nito.

Ayon kay LP spokesman at Marikina Rep. Miro Quimbo, mahalagang matukoy ng Pangulo ang mga miyembro ng gabinete nito na makakatulong sa kanya sa natitira pang dalawang taon ng panunungkulan nito.

Sabi ni Quimbo, dapat ng alisin ni PNoy ang mga non-performing at makukupad na opisyal ng pamahalaan.

Panahon na rin para silipin at i-evaluate ni PNoy ang performance ng mga tauhan nito na magdadala sa kanya sa itaas at mabibigyang importansya ang mga reporma ng Pangulo sa ilang taon pa nito sa pamamahala.

Importante rin umanong piliin ng Pangulo ang mga kayang humawak ng bola para magampanan ang responsibilidad na iaatang sa kanila.

Show comments