ROPC 23rd Anniversary gaganapin sa Cuneta Astrodome

MANILA, Philippines - Gaganapin ang 23rd Anniversary ng Reporters’ Organization Of Pasay City  (ROPC) sa function room ng Cuneta Astrodome ngayong gabi (July 24/7pm). Kasabay ng nasabing okasyon ay ang oathtaking ceremony ng mga opisyal ng nasabing media organization. Kabilang sa mga panauhin ay ang mga opisyal ng iba’t ibang media organization partikular ang National Press Club (NPC). Dadalo rin sa okasyon ang ilang mataas na opisyal ng PNP at lokal na pamahalaan mula sa ibang lungsod ng Metro Manila.

Show comments