NIA may bagong hepe

MANILA, Philippines - Nagtalaga na ng bagong administrator ng National Irrigation Authority si Pangulong Aquino kapalit ni NIA Administrator Claro Maranan.

Ipinalit kay Maranan si dating BCDA chairman Florencio Padernal bilang bagong NIA chief habang itinalaga rin bilang miyembro ng board ng LTFRB si dating Quezon City Councilor Ariel Inton.

Nagtapos nitong June 30 ang appointment ni NIA chief Maranan at hindi na ito muling itinalaga ng Pangulo.

Walong iba pa ang inilagay ni PNoy sa Register of Deeds, Climate Change Commission, Public-Private Partnership Center at Department of National Defense bilang mga director.

Show comments