Miriam may lung cancer

Senador Miriam Defensor-Santiago

MANILA, Philippines — Inanunsyo ni Senador Miriam Defensor-Santiago ngayong Miyerkules na mayroon siyang cancer sa baga.

Sinabi ng senadora na nitong nakaraang linggo lamang na-diagnose ang kanser sa kanyang kaliwang baga.

"I have come... so you can see me personally before the cancer ravages my physical body," wika ni Santiago sa isang pulong balitaan.

Aniya hindi siya naninigarilyo o umiinom ng alak.

Umaasa ang senador na sa loob ng anim na linggong gamutan ay magagamot ang kanyang sakit.

Sinabi pa ni Santiago na may kinalaman ang kanyang sakit na chronic fatigue syndrome sa kanyang cancer.

Hindi nakakadalo sa ibang sesyon ng senado si Santiago dahil sa sakit.

Ito rin ang naging dahilan upang magbitiw siya bilang hukom sa International Criminal Court (ICC).

Show comments