Arrest warrant kay Bong, 31 pa inilabas na ng Sandiganbayan

MANILA, Philippines — Inilabas na ng Sandiganbayan ngayong Biyernes ang arrest warrant laban kay Senador Bong Revilla Jr. kaugnay ng pork barrel scam.

Nilagdaan ni First Division chairman Associate Justice Efren De La Crus ang kautusan para sa senador at sa 32 iba pang personalidad bandang 8:30 ng umaga.

Dawit din sa kautusan sina Richard Cambe, Janet Lim Napoles at brother Reynald Lim, na hanggang ngayon ay nagtatago pa rin.

Kaugnay na balita: Revilla kusang susuko sa Sandiganbayan

Samantala, patungo na ng Sandiganbayan si Revilla upang kusang sumuko.
 

Show comments