‘Stunning devices’ bawal sa HK

MANILA, Philippines - Nagbabala ang isang opisyal ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa mga kababa­yan nating pupunta ng Hongkong dahil may karagdagan paghihigpit na ipinatupad ang mga awtoridad doon tungkol sa pagdadala ng mga ‘stunning devices’ tulad ng extendable batons, flick knives, knuckle duster, tear gas at bala.

Sinabi ni Connie Bu­ngad, tagapagsalita ng MIAA, ang mga nasabing ‘stunning devices’ ay kinokonsiderang ‘armas’ sa ilalim ng ipinatutupad na batas ng Firearms and Ammunition Ordnance ng Hongkong.

Ayon kay Bungad, ang mga mahuhulihan ng nasabing armas ay papatawan ng HK$100,000 multa at pagkakakulong ng 14 taon sa kanilang piitan.

Sabi pa ni Bungad, ang lahat ng hand-carried at checked-in luggage ng mga pasahero na dala nila ay idadaan sa â€˜security screening’ sa mga puerto at paliparan sa Hongkong.

Sa ulat ng Philippine Consulate General sa Hong Kong, dumarami ang mga nahuhulihan ng nasabing ‘stunning devices’ kaya pinag-iingat ang mga turistang Pinoy.

Show comments