19 senador sa pork scam 'di sinabi ni Napoles

Janet Lim-Napoles. File photo/PRIB Senado Facebook

MANILA, Philippines — Pinabulaanan ng kampo ng negosyanteng si Janet Lim-Napoles ang naging pahayag ni Justice Secretary Leila De Lima kahapon ukol sa pork barrel scam.

Sinabi ng abogado ni Napoles na si Bruce Rivera na hindi 19 na senador ang idinawit ni Napoles sa kanyang sinumpaang salaysay na ibinigay nila kay De Lima kahapon sa Ospital ng Makati.

"That's pure misinformation. The number 19 is false,” wika ni Rivera sa isang panayam sa telebisyon.

Kaugnay na balita: Napoles, state witness?

Samantala, pinasinungalingan din ng abogado na hiniling nila umano na maging state witness ang negosyante.

"We never asked for her to be state witness. We never asked for her to be under the witness protection program. We never did that and Secretary De Lima can attest to that," banggit ni Rivera.

"Well, if the DOJ and the Ombudsman find it appropriate (to make her a state witness), then why not? But at this point, I am not even contemplating it to (sic) her."

Kaugnay na balita: Enrile, Revilla, Estrada dawit sa affidavit ni Napoles

Dagdag ng abogado na hindi rin totoo na handang isauli ni Napoles ang kanyang mga umano'y kinita sa pork scam.

Aniya pinaubaya na lamang nila ang salaysay ni Napoles sa kalihim.

"What we told Secretary De Lima is this: This is our testimony, do what you want to do with this. If you find it sufficient, then it's your discretion," banggit ni Rivera.

Kaugnay na balita: De Lima: Wala nang dahilan para patahimikin si Napoles

Sa huli ay sinabi ng abogado na nais lamang ni Napoles na ipaalam ang kanyang mga nalalaman hinggil sa kontrobersyal na pork scam.

"At the end of the day, she just wants to ventilate her side and tell her story," sabi ni Rivera.

Show comments