2 LPA naispatan

MANILA, Philippines - Dalawang low pressure area (LPA) ang namataan ng PAGASA sa labas ng Philippine Area of Respon­sibility (PAR) kahapon.

Ang unang LPA na namataan sa layong 220 kilo­metro sa silangan hilagang-silangan ng Surigao City ay inaasahang magdudulot ng katamtaman hanggang sa kung minsa’y malakas na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Eastern Visayas partikular sa Eastern at Northern Samar. Habang ang isa pang LPA ay namataan 1,220 kilometers sa silangan ng Guiuan, Eastern Samar at inaasahang makakapasok sa PAR sa loob ng 24 hanggang 36 na oras. Maari rin anya itong mabuo bilang bagyo.

Inaalerto na ang mga residente sa mga naturang lugar sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.

Show comments