Botante sa Zambo bawal magdala ng backpack

MANILA, Philippines - Bawal magdala ng backpack sa loob ng polling precinct ang mga botante sa Zamboanga City.

Ito’y kaugnay nang idaraos na special barangay elections sa naturang lungsod sa Lunes, Nobyembre 25.

Sa Twitter account ng Comelec, nilinaw ng poll body na bahagi ito nang ipinatutupad nilang security measures para sa halalan.

Isa sa mga pinag-ii­ngatan ng Comelec ay ang posibilidad na magtago ng mga pampasabog sa mga backpack ang ilang taong nais na maghasik ng kaguluhan sa eleksiyon kaya’t ipinagbawal muna ito.

Ngayong araw, Nobyembre 23, ay magtatapos ang campaign period sa lungsod, na sinimulan noong Nobyembre 15.

Una nang ipinagpaliban ng Comelec ang barangay elections sa Zamboanga City dahil sa naganap na ilang araw na bakbakan doon sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at mga tagasunod ni MNLF founding chairman Nur Misuari noong Setyembre.

Show comments