219 na tomador arestado

MANILA, Philippines - Umaabot sa 219 katao ang nahuli ng mga awtoridad na umiinom ng alak habang ipinatutupad ang liquor ban kaugnay ng idinaos na Brgy. Election.

Ang liquor ban ay ipinatupad ng PNP simula kamakalawa hanggang nitong Lunes ng alas-7:00 ng umaga.

Ayon kay PNP Spokesman Sr. Supt. Wilben Ma­yor, pinakamaraming nahuli sa liquor ban ay sa Metro Manila na nasa  57 katao; pangalawa ang Region XI ( Davao –Compostella ) na nasa 51 naaresto; 28 sa Central Luzon, lima sa Region IV-B at sa iba pang bahagi ng bansa.

 

Show comments