^

JI bombers nasa Metro!

Joy Cantos at Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - August 8, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Pinangangambahang nasa Metro Manila na ang mga teroristang Abu Say­yaf, Jemaah Islamiyah (JI) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) para magsagawa umano ng pambobomba.

Sa pahayag ng isang Saji Mukamad, nagpakila­lang miyembro ng BIFF na umano’y sinanay ng JI sa terorismo, ilan sa kanilang miyembro ay nasa Metro Manila na may planong magsagawa ng test mission.

Una nang ibinulgar ni NCRPO Director P/Chief Supt. Marcelo Garbo Jr., na ilang miyembro ng Abu Sayyaf ang namonitor ang presensya sa Metro Manila pero sinabing nagre-rest and recreation lamang ang mga ito matapos na magsitakas sa Mindanao. 

Samantalang ang JI terrorists na nagsisipagtago sa Mindanao at kaalyado ng Abu Sayyaf ay dati ng nasangkot sa ilang insidente ng pambobomba sa Metro Manila noong 2004 at 2005.

Una nang inihayag ni Senate Minority Leader Juan Ponce-Enrile na hindi umano malayong ang serye ng pambobomba sa Mindanao Region ay umabot sa Metro Manila.

Sinabi ni Enrile na hindi na maituturing na isolated case ang nangyaring sunud-sunod na bombings sa Mindanao lalo pa’t may panibagong insidente na naganap kahapon sa Midsayap.

Kung bunga umano ng terorismo ang mga pagpapasabog ay hindi talaga malayong dumating ito sa Kamaynilaan.

“From what I see in what happened in CDO, nangyari sa Cotabato City, sunod-sunod e. Tapos sa Midsayap. Hindi na isolated incident. Series of incidents na. At yan ba ay confined to Mindanao or darating sa Kamaynilaan? Dahil kung ‘yan ay bunga ng terrorismo, ang pinaka-natural na target Manila because this is the most populated area in the country,” sabi ni Enrile.

Idinagdag ni Enrile na isang national security problem na ang nangya­ring serye ng pambobomba sa Mindanao kaya dapat magtulungan na ang lahat ng kinauukulang ahensiya ng gobyerno.

Bilang reaksyon sa posibleng spillover ng bombing sa Metro Manila, sinabi ni Garbo na wala silang security alert na galing sa National Intelligence Coordinating Agency (NICA).

“We have no security alert coming from NICA but then again we increase our level of concern, di naming ito binabalewala (terror attack),” ani Garbo.

ABU SAY ABU SAYYAF BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS CHIEF SUPT COTABATO CITY DIRECTOR P ENRILE METRO MANILA MINDANAO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with