Dagdag-singil sa kuryente

MANILA, Philippines - Magdaragdag ng singil sa konsumo sa kuryente ngayong Enero ang Manila Electric Company.

Ayon sa Meralco, ang generation charge ay tumaas ng 31 sentimo kada kilowatt-hour (kWh) bunsod na rin ng pagtaas ng 44 sentimo kada kWh sa rates na siningil ng National Power Corporation sa Meralco.

Ang malaking bahagi ng NPC increase ay dahil naman sa mas mataas na Generation Rate Adjustment Mechanism (GRAM) Deferred Accounting Adjustment (DAA).

Anang Meralco, ang isang tahanan na kumukonsumo ng 200 kWh ay makakaranas ng 36 centavo kWh increase sa kanilang electricity rates ngayong Enero, dahil sa bahagyang transmission charge reduction na 1.41 sentimo kada kWh at 3.30 centavos kWh increase sa system loss charge.

Muling nilinaw ng Meralco na hindi ito kumikita sa mga pass-through charges, na ang pinakamalaking bahagi ay ang generation charge. Ang bayad umano sa generation charge ay napupunta lamang sa power suppliers tulad ng NPC, IPPs at WESM.

 

Show comments