1 patay, 7 sugatan sa banggaan sa Batangas

MANILA, Philippines - Isa ang patay, habang pito ang sugatan sa salpukan ng dalawang sasakyan sa Batangas kagabi.

Nakilala ang nasawing si Edgar Castillo, 41, na binawian ng buhay sa ospital.

Sugatan ang mga kasama ni Castillo kabilang ang kanyang asawang si Belinda, anak na si Danica Bianca.

Bumangga ang sasakyan ni Castillo sa Toyota Innova na minamaneho ni Marlorence Pangilinan, asawa niyang si Lucila at tatlo nilang anak.

Lumabas sa imbestigasyon na mabilis ang pagpapatakbo ni Castillo habang tila'y tinatahi ang kalsada nang salpukin ang sasakyan ni Pangilinan sa Star Tollway sa San Jose, Batangas.

Suspetsa rin ng mga awtoridad na nakatulog si Castillo habang nagmamaneho.

Show comments