7 nominasyon sa GMA7, 2 sa ABS-CBN para sa Asian TV awards

MANILA, Philippines – Nominado ang batikang aktres na si Lorna Tolentino at GMA 7 primetime queen Marian Rivera bilang Best Actress in a Leading Role category sa 2013 Asian TV Awards.

Nasama sa mga nominado si Lorna at Marian para sa kanilang mga palabas na “Pahiram ng Sandali” at Filipino remake ng “Temptation of Wife.”

Gagawin ang awards night sa Singapore sa Disyembre 5 kung saan kalaban din nila ang ilang nominado mula sa Taiwan, Malaysia at Hongkong.

Sa kabuuan ay siyam na nominasyon ang nakuha ng Pilipinas, kabilang din dito ang komedyanteng si Michael V para sa Best Comedy Performance by an Actor/Actress category para sa longest running gag show sa bansa na “Bubble Gang.”

Pasok din ang Philippine Queen of all media Kris Aquino bilang Best Entertainment Presenter/Host category para sa kanyang morning talk show sa ABS-CBN na “Kris TV,” habang ang “The X Factor” din ng Kapamilya network ay nominado sa Best Reality Show category.

Samantala, tanging GMA-7 lamang ang nakakuha ng nominasyon para sa mga news programs.

Naisama sa listahan ng Best News Programme category ang “Saksi” at “24 Oras” habang Best Current Affairs Programs category ang “Reporter’s Notebook” at “Born Impact” bilang Best Natural History or Wildlife Program.

Pitong nominasyon ang nakuha ng Kapuso network, habang dalawa sa Kapamilya station.

Show comments