Ilang preso nakatakas sa Tacloban

MANILA, Philippines — Nakatakas ang mga preso sa loob ng Tacloban City Jail matapos bayuhin ng bagyong “Yolanda” ayon sa isang opisyal ng militar.

Sinabi ni Army Brig. Gen. Virgilio Espineli, deputy regional military commander na nasira ang pader ng kulungan kaya nakatakas ang mga preso.

Sinubukang pigilan ng mga jail guard ang pumugang preso ngunit iilan lamang ang bumalik nang marinig ang mga warning shot.

Hindi naman malaman ang eksaktong bilang ng mga nakatakas na preso, dagdag ni Espinelli.

"Where will they go? What will they eat?" pahayag ni Espineli.

Tinatayang nasa 600 katao ang nakapiit sa city jail.

Show comments