Arroyo nanumpa sa loob ng ospital

MANILA, Philippines – Nanumpa sa loob ng ospital si Gloria Macapal Arroyo para sa kanyang pangalawang termino bilang kinatawan ng Pampanga nitong Linggo.

Sumumpa ang dating pangulo sa harap ng abogadong si Galileo Angeles sa loob ng kanyang kuwarto sa Veterans Memorial Medical Center bandang 11:30 ng umaga.

Kasama ni Arroyo ang kanyang asawa na si Mike at kanyang anak na si Mikey sa panunumpa.

Saksi rin sa pagsisimula ng kanyang pangalawang termino ang chief of staff ni Arroyo na si Elena Bautista Horn, abogadong si Raul Lambino at ilang mga constituent mula sa Pampanga.

Naka hospital arrest si Arroyo dahil sa kasong pandarambong.

 

Show comments