Tindahan sa Divisoria nilamon ng apoy

MANILA, Philippines - Tinupok ng apoy ang isang apat na palapag na gusali sa lungsod ng Maynila nitong Biyernes ng umaga.

Umabot na sa ikaapat na alarma ang sunog na lumalamon sa Rochas Store na nasa panulukun ng Recto Avenue at Juan Luna Street sa Divisoria.

Isinusulat ang balitang ito ay inaapula pa rin ang apoy.

Hindi pa batid ng mga bombero ang pinagsimulan ng apoy.

Show comments