Miyembro ng Abu Sayyaf huli sa Zamboanga

MANILA, Philippines – Nasakote ng mga awtoridad ang hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf sa lungsod ng Zamboanga, ayon sa pulisya ngayong Huwebes.

Kinilala ni Chief Inspector Ricardo Garcia, hepe ng Police Station 2 sa distrito ng Curuan, si Hussin Ahaddin na may warrante of arrest para sa kasong muder.

Nilusob ng pinagsamang puwersa ng pulis at military ang hideout ni Ahaddin sa Barangay Muti nitong Miyerkules ng umaga.

Walang nagawa si Ahaddin kun’di sumuko matapos mapalibutan ng awtoridad ang kanyang kuta.

Show comments