Opisyal ng USS Guardian, sinibak

MANILA, Philippines (AP) – Sinibak sa puwesto ang apat na opisyal ng US Navy minesweeper na sumadsad sa Tubbataha Reef nitong Enero.

Ayon sa inilbas na pahayag ng US Pacific Fleet ngayong Huwebes, lumabas sa kanilang imbestigasyon na hindi sumunod sa standard navigation procedures ang apat na opisyal ng USS Guardian nang mangyari ang insidente noong Enero 17.

Ililipat sa ibang posisyon ang mga opisyal na pawang mga commanding officer, executive officer at navigator, assistant navigator, at officer of the deck.

Kamakailan lamang ay natapos nang baklasin ang sumadsad na barko sa from Tubbataha National Marine Park.

Sa tantiya ng Tubbataha Management Office ay nasa 4,000 square meters ang mga nasirang bahura.

Aabot naman sa mahigit $2 milyon ang maaaring bayarang multa ng Estados Unidos sa mga nasirang bahura na isang UNESCO world heritage site.

Show comments