Lalaking nahulog sa Catanduanes Falls, 'di pa makita

MANILA, Philippines - Pinaghahahanap pa rin ng mga rescuers ang katawan ng isang lalaking nahulog at nalunod sa isang talon sa Catanduanes nitong Huwebes, ayon sa National Disaster Risk Reduction Management Council.

Sinabi ni NDRRMC Executive Director Benito Ramos na hindi pa rin nakikita ng mga search at rescue team ng bayan ng Bato at ng Philippine Coast Guard ang katawan ng 28-anyos na si Albert Balcueva.

Sa inisyal na ulat, sinabing aksidenteng nahulog si Balcueva habang umaakyat ng Marivina Falls bandang alas-8 ng umaga kahapon. Dennis Carcamo

Show comments