^

Para Malibang

Secret mode ng mag-asawa

Pang-masa

Pag-uwi ni mister sa bahay ay dala ang pagkadismaya mula sa trabaho at kinausap si misis na pabastos.

Napatingin lang si misis sa asawa at pinagtimpla ng kape na inilapag sa harap ni mister, sabay tanong kung anong nangyari sa opisina nito.

Bukod sa mainit na kape ay maayos na kinausap ni misis ang asawa. Pinagsilbihan si mister ng higit pa sa kung anong deserve nito sana pagkatapos na pabalang na trato kay misis. Ito ang sauce ng sekreto ng Christian marriage. Imbes na sabayan ang galit ay sinusuklian ng kabutihan, pasensya, pang-unawa, at pagmamahal.

Ilang beses na ba nag-usap ang mag-asawa na nauwi sa bangayan. Nagbabatuhan ng masasakit at pangit na salita mula sa mahal na asawa.

Sa susunod na magbigay na bastos na remark o matalas na tingin ang asawa na sapat na dahilan para ma-trigger ang galit ni wifey o hubby. Sa halip na patulan ay makatutulong na manatili sa kind mode. Manghingi ng tawad sa mga nagawang mali kung mayroon man. Yakapin ng mainit na pagmamahal ang asawa upang maprotektahan ang marriage. Armahan ang sarili ng kindness, mahabang pasensya, at pang-unawa sa susunod na argumento. Kapag may nasabi na pangit ang asawa, sa halip na gumanti ay tratuhin si mister o misis na higit pa sa kung anong deserve nito na may pagmamahal. Kapag hindi ang pagsisimangot ng asawa ay mabilis na mapalitan ang pangit na mood nito. Upang maging maayos ang pag-uusap at hindi mauwi sa malalang pag-aaway. Kundi matutunan na respetuhin ang damdamin ni misis at mister na deserve na kausapin at tratuhin ng tama.

vuukle comment

ASAWA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with