^

Para Malibang

Zombie Family (265)

Gilda Olividado - Pang-masa

ISANG flying zombie na si Leilani. At nakapatay na agad ng isa. Tumakbo ang ibang tao.

Takot na takot.

May isang babaing medyo mataba rin at mahina tumakbo.

Si Leilani na nakatuwad sa ere habang inuubos ang natitirang dalawang paa na lang ng biktima ay nakukulangan pa sa mauubos na niyang biktima.

Ang kanyang mga malalaking pakpak ay nakalatag din sa ere, dahilan para hindi siya bumagsak.

Ubos na hanggang sa kahuli-hulihang kuko ng paa ng unang biktima.

Biglang tumuwid sa ere ang zombieng lumilipad at pinuntirya ang tumatakas.

Ilang pagaspas lang ng kanyang mga pakpak nasa ibabaw na siya ng matabang babae na pilit tumatakbo nang mabilis.

Pero dahil alam niyang malapit na siyang mamatay, nanginginig na at lalo pang bumagal ang mga paa.

Nag-dive na si Leilani sa susunod na biktima.

Kung ano ang unang nahagip ng bibig, kagat at nguya kaagad. Ulo ang una niyang napuruhan.

Nauka kaagad ang bao. Sumirit ang dugo at hinigop ng lumilipad na zombie ang buong utak.

Hindi na tumigil. Akala mo hindi pa nakakain na puro ngasab ang ginawa.

Mula itaas pababa ang kanyang pagkain sa babae. Pagkatapos ng ulo at leeg, dibdib naman ang tinira.

Pagkatapos ng baywang, balakang.

Mga hita. Mga binti. Pinakahuli na naman ang mga paa.

Nakadalawang tao na si Leilani. At ang kaibahan niya kina Marga at dalawang mga anak nito, nagbabago ang kanyang itsura at porma depende sa kanyang mga nakain.

Dahil eksaktong dalawang tao ang naubos, ang katawan ni Leilani ay parang nadagdagan din ng weight ng dalawang tao.

Lumapad siya, nag-extend. Pati ang mukha, leeg. Mga binti ay naging ka­singlaki ng mga hitang matataba.

Kaya ang zombie nang lumilipad ay akala mo malapad na malapad at mahabang planggana na siksik na siksik.

Ang nakakamangha, kaybilis pa rin niyang lumipad.

Ang kanyang speed ay nananatiling extra­ordinary. Kaya ang danger nito ay hindi lang  doble kundi triple pa kaysa karaniwang zombie.

Itutuloy

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with