^

Para Malibang

Addiction sa Buhay

Pang-masa

Ang tao ay laging may plano sa kanyang buhay. Unang plan A na iniisip ng indibidwal ay iwasan ang anomang sakit na puwede niyang maranasan. Maging ito ay patungkol sa emotionally, physically, at mentally.

Kaya ang maraming tao ay nagkakaroon ng addiction na hindi lamang ng masamang bisyo gaya ng shabu, alcohol, pagsusugal, kundi maging pornography, excess eating, at iba pang bagay na ginagawa upang hindi maramdaman ang anomang kanila pinagdaraanan.

Ang addiction ay kawalan ng kontrol sa brain. Hinahanap ang isang bagay na gamitin o gawin kahit sa kalaunan ay napapahamak o masama.

Maaaring dahil sa galit, pagkadismaya, kawalan ng tiwala sa sarili, at sakit na dulot ng rejection mula sa ibang tao.

Ang nakalulungkot na anomang   ginagawa ng tao na paraan upang pansamantalang  makalimutan ang sakit ng kalooban ay nagugupo ng addiction.

Ang simpleng tikim ng alak, paninigarilyo, at pinagbabawal na gamot na ang katuwiran ay hindi masama at walang sinasaktang ibang tao na nagigising na lamang ay gapos na ng addiction. Ang pasilip-silip na panonood ng bold movies na inaakala ay hindi masama dahil sa walang nakakakita. Ang paglalantak ng mga pagkain kapag nai-stress o napi-pressure. Puwedeng iniisip na hindi nakakasakit at walang pakialam sa ibang tao. Pero sa huli na ang lahat saka lamang mari-realize na ang unang umiiyak ay ang iyong pamilya, asawa, at anak sa paglugmok sa addiction hanggang maging sakit na rin ng lipunan.

Tandaan, ang bad habit hanggang maging addiction ay hindi sagot sa anomang problema upang iwasan lamang ang hirap at sakit emotionally o mentally. Kundi ang anomang challenges na nararanasan ay nagpapatibay sa buhay.

vuukle comment

BUHAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with