^

Para Malibang

Zombie Family (244)

Gilda Olividado - Philstar.com

NABIGLA si Herman nang makita kung sino ang dumayo sa isla. “Nikolai?”

At nasuntok niya ito nang magdeklara ng pagmamahal sa kanyang asawa.

Napatihaya sa buhanginan si Nikolai. “I take that. Karapatan mong magalit. Pero sana, magkausap pa rin tayo nang matino. I need your fair decision on this matter.”

“May pagmamahal ka sa asawa ko tapos gusto mo, maging fair ako sa iyo?”

“Isipin mo naman sana ang kalagayan niya. Ng inyong mga anak. Baka hindi mo na sila mababalikan. Baka gugustuhin mo rito ka na lang dahil okay naman ang buhay dito. Look, ang dating zombie na masama, na hayok sa laman at dugo ng tao, naging mga body parts na hindi na delikado.”

“Hindi mo ba naisip na dahil diyan maaring bumalik na ako kina Laurice? O kaya, baka dadalhin ko na lang siya dito? Anyway, wala na ngang pilegro?”

Napailing si Nikolai. “C’mon, Herman … yes, I do agree it seems safe here but … nanggaling pa rin sila kay Marga, nawala man si Marga, nandidiyan ang napakarami niyang mga bahagi ng katawan. Will it always be safe? Wala bang … mababago sa mga body parts? I mean, those are possibilities na kung talagang mahal mo ang pamilya mo, hindi mo sila iri-risk dito.”

“Then I could return to them.”

“But why not now? Ano pa ang hinihintay mo? Tingin ko naman parang wala kang balak na iwan talaga ang isla with these body parts.”

Hindi kaagad nakasagot si Herman.

Hindi pa nga naman talaga sumagi sa isip niya na iwan na ang mga body parts, hayaan na lang sila sa isla.

Saka ang hindi pa alam ni Nikolai.

Na naririto na rin sa isla ang kanyang mga anak.

Pero naisip ni Herman, baka alam na rin pala ni Nikolai.

“May koneksiyon ka sa special department ng military which handles the zombie case. Baka nakita na ng navy ship ang mga anak ko sa area na ito so maybe may na-release na sila tungkol dito.”

“So nandidito na nga ang mga anak mo?”

“Yes.”

 “And they are dangerous. May mga kata­ngian pa rin sila ng mga zombies. How are you handling that?”

“Naku-contain pa naman namin sila. May isang higenteng pugitang namatay at inasnan namin iyon para ma-preserve. Iyon ang unti-unti kong pinapakain sa kanila and nagugustuhan naman ng sikmura nila.

Itutuloy

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with