^

Para Malibang

Zombie Family (207)

Gilda Olvidado - Pang-masa

SA isla, dahil nga wala nang buo na Marga kundi mga body parts na lamang nito na dumami at lumaki, ayaw nang magtago ni Herman sa loob ng gubat kung saan hindi nararating ng mga ito.

Nasanay na rin siya sa mga body parts ni Marga.

At may natuklasan siyang sobrang ikinagulat.

Nakita niya kung ano ang mga kinakain ng mga body parts.

Mga buhangin lang. At para bang ang bilis mabusog ng mga ito.

“Diyos ko, ito ba ang paraan Ninyo para iligtas ang mga tao? Para hindi na makakapagpatuloy si Marga sa pagkain ng laman?”

Pinagmasdan niya ang mga body parts na para bang mga ordinaryong hayop lamang.

Palakad-lakad sa buhanginan.

Kumakain paunti-unti ng mga buhangin.

Pero tingin naman niya, hindi nababawasan ang mga buhangin sa tabing-dagat.

“Dahil kaya kung nag-i-eliminate sila ng mula sa kanilang mga bituka ay malinis na buhangin din kaya humahalo lamang sa nasa tabing-dagat?”

And he tries to find out.

At nakita niya, tama siya.

Natuwa si Herman. “So weird pero they are good inhabitants! Hindi harmful, tahimik, malinis! Kaba­ligtaran noong nasa iisang tao pa sila, sa katawan ni Marga!”

Sa sobrang kasiyahan ni Herman, natanggap na niya ang mga body parts ni Marga.

Tuwang-tuwa pa nga siya sa isang bahagi ng labi ni Marga.

Kinausap.

“Naririnig mo kaya ako? Naiintindihan?”

Nasa harapan lang niya ang labi, hindi umaalis, tahimik lang.

“I think naririnig mo ako. Okay, marami akong sasabihin sa iyo. Unang-una, nagpapasalamat ako. Dahil ibang-iba kayo sa babaing original ninyong kaanyuan. Hindi na kayo matatawag na mga delikado. Para kayong mga maaamong nilalang ng Diyos.”

Parang nakikinig pa rin ang labi.

At hindi lang ito. Lumapit pa ang iba.

Hanggang sa naging isang malaking crowd ang nasa harapan ni Herman. Hindi na siya kinikilabutan. Audience niya ang mga teynga, buhok, ilong, labi, pisngi, kamay, paa, hita… lahat nangga­ling sa katawan ng zombie Marga. 

- ITUTULOY

 

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with