^

Para Malibang

Zombie Family (204)

Gilda Olividado - Pang-masa

ANG tatlong medical employees lamang ang staff na nandidito sa umagang-umaga.

Ang security guard ay nasa labas ng clinic, nagbabantay.

Walang kaalam-alam na sandali lang nag-struggle ang tatlong medical employees.

Maya-maya ay ubos na sila. Bundat na bundat ang dalawang teenagers. Kahit buhok at kuko nakain nila.

HINDI naman nagtagal at pumasok ang security guard. Nadidyinggel. Papunta sa malapit na CR.

Napansin niyang walang staff. Nakita niya ang dalawang teenagers na nagtutulug-tulugan.

“Naglakwatsa ng sabay-sabay ‘yung tatlo? Natulog o naglaro ng tong-its? Grabe ha, isusumbong ko sila!”

Sinulyapan lang niya ang dalawang teenagers. Na ngumiti pa ng pagkaamo-amo sa kanya.

Tinanong pa niya ang mga ito.

“Ineng, amang … nasaan na ang nagbabantay sa inyo?”

Umiling nang sabay ang mga ito.

“Hindi ninyo nakita at hindi rin ninyo alam? Ah, bahala sila basta magsusumbong ako! Teka’t CCR muna ako!”

Pagpasok ng security guard sa comfort room, ang bilis nakababa sa kama ang mga teenagers na zombie.

Nagutom kaagad. Kaya nag-transform. Na­ngitim ang mga mata at paligid ng mga ito.

Tumalim ang mga ngipin na tumalas na rin.

Nakapasok kaagad ang mga ito sa comfort room na naroroon ang security guard.

Hindi nagtagal at ma­tinding takot at yanig ang maririnig. Kung sana lang meron ibang tao sa clinic.

Pero wala, e. Ang mga nandidito lamang ngayon ay ang dalawang teen­agers na nakakapangilabot na.

Nang maubos ang security guard, maaamo na naman ang mga mukha ng dalawang teenagers. Nagpalit ng damit.

Kumuha ng mara­ming pera sa cash vault ng mayamang clinic.

At parang walang anumang lumabas. Kapit-kamay pa. Kung titingnan magkapatid na magkasundo, nagmamahalan at iisa ang hilig. Kumain ng laman.

Itutuloy

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with