^

Para Malibang

Kakuntentuhan sa Buhay

Pang-masa

Ang tanong ng isa sa pinakamayamang tao ay kung magkanong pera nga ba ang sasapat, sa pangangailangan araw-araw. Ang simpleng sagot ng milyonaryo ay “Just a little bit more o konti pa.”

May ilang naka-relate na puwedeng hindi lang maraming pera ang kailangan, kundi pati malaking bahay, magarang kotse, at bagong phone. Ang payo ng mayaman ay inuugnay sana para sa life, happiness, at buhay mag-asawa.

Kung hindi nga naman matutunan na makuntento sa buhay ay tiyak na maghahanap pa ng kaligayahan sa ibang bagay.

Lahat ay gusto laging i-upgrade ang kanilang mga gadgets, appliances, o anomang bagay na “in” sa social media.

Kung maghahanap ng contentment sa maling paraan, kailanman ay hindi ito mahahanap. Saan pa ba dapat ito makikita? Ang payo ng pinakamatalino at mayamang hari na si King Solomon ay nagsabi na puwedeng kumain at uminom at maghanap ng kasiyahan sa lahat ng tinatamasa sa buong buhay na ipinagkatiwala sa iyo.

Sa halip na hilingin na magkaroon ng latest na gadget, puwedeng magpasa­lamat kung anong phone lang muna mayroon. Wala nang importante na laging kaharap ang asawa at kausap gabi-gabi kaysa hawak ang cell phone. Bagkus ay nasisiyahan din na nakayakap si mister, upang ma-enjoy ni misis ang lakas ng bisig ng asawa. Marinig ang sense of humor ni mister at malasap ang  masarap na pagkain ni misis.

Higit sa lahat ay matutunan na magkaroon ng kakuntentuhan sa buhay na makita sa Panginoong Hesus na maaaring kinakapos minsan, pero hindi nalilihis o nalalayo na kapiling ang asawa at anak sa pagsalu-salo kung ano muna ang mayroon sa kanilang pamilya.

Magkano nga bang pera, stuff, at iba pa ang kailangan upang maging sapat at makuntento?  Kausapin ang asawa sa mga bagay na nahihirapan pagdating sa contentment.

vuukle comment

BUHAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with