^

Para Malibang

Zombie Family (147)

Gilda Olividado - Pang-masa

SUSUNGGABAN na ng pating ang halos patay nang si Herman.

Humarang ang zombie.

Nadaplisan siya ng mga ngipin ng pating.

Nagalit ang zombie dahil nabalian siya ng mga butong nakausli na.

Nilangoy niya ang pating, mabilis.

At pumasok siya sa loob ng bunganga nito.

Hindi nagtagal at umiimpis ang katawan ng pating. Nangingisay ito. Mula sa loob ng kanyang katawan, nanggagaling ang umuubos sa kanyang mga laman at buto.

Hindi malaman ng pating kung paano palalabasin ang zombie. At kung paano patitigilin sa pagkain ng kanyang mga laman.

Hindi na nagawang ubusin ni Marga ang pating. Impis na ito nang lumabas siya.

Para na lang papel na inanod ang pating sa ilalim ng dagat.

Wala nang buhay.

Ang bilis naman ng kilos ni Marga. Kinapitan agad si Herman at parang robot na itinaas sa ibabaw ng dagat.

Pinukpok ni Marga ang bandang dibdib ni Herman hanggang sa mabilis na nailabas ang tubig na nainom nito.

“Uhu uhu uhu uhuuuu!” Nauubo na si Herman.

Ibig sabihin ay mabubuhay.

Agad siyang ibinalik ng zombie sa islang tila paraiso. Parang nakasakay sa jet ski si Herman habang buhat ng zombie na napakatulin sa dagat.

Ibinagsak ni Marga si Herman sa dalampasigan.

Mahina pa rin si Herman pero may awareness na siya kung nasaan siya. “Nandidito uli ako?...”

Nakita niya si Marga na nakahiga sa buhangin, masaya, still savoring the pleasure ng paulit-ulit na lovemaking sa kanya ni Herman.

Frustrated si Herman.

Nakakulong na naman siya kay Marga.

Pero makakatakas pa rin naman siya. May lugar sa isla na hindi mapapasok ng zombie.

Takbo siya sa maliit na sariwang gubat. Dito muli magtatago.

Habang si Marga ay wala pang pakialam sa pagtakas ng dating kabit. Dahil masaya pa siya. Hindi pa siya nagugutom. - ITUTULOY

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with