^

Para Malibang

Cookies na may Cannabis!

GRABE NA ‘TO - Pang-masa

Ano nga ba ang ating misyon bilang tao, bakit tayo nagsisimba linggu-linggo? Ito ba ay para sa ikaliliwanag ng ating mga isipan? Pagpapasalamat sa mga biyayang ating natatanggap, o paghingi ng tawad sa ating mga kasalanan?

Marahil ay totoo nga ang kasabihan na hindi lahat ng mababait ay nagsisimba, at hindi rin lahat ng nasa simbahan ay mababait, dahil ang 74 taong gulang na kinila­lang si Mr. Jones na isang parishioner ay nahaharap ngayon sa isang mabigat na problema. Inakusahan ang lalaki na nagpakain ng cookies na may halo diumanong Tetrahydrocannabinol oil o cannabis oil sa daang taong nagsimba.

Nasa edad na 12 hanggang 70 taong gulang ang mga isinugod sa ospital dahil sa pananakit ng tiyan matapos nilang kainin ang nasabing cookies. Maala­t-alat daw ang lasa nito kaya naman nagtaka na sila.

Inamin ni Jones na siya nga ang nagpakain sa mga ito, pero itinanggi niya na may kakaibang nakahalo rito.

Nang magkaroon na ng pagkakataon ang mga pulis upang halughugin ang bahay ni Jones, tumambad na roon ang isang bote na naglalaman ng mga brown na capsule at oily substance na kaagad namang na-identify bilang marijuana.

Hinuli si Jones at ikinulong. Ganunpaman, walang nakakaalam hanggang ngayon kung bakit niya ito ginawa dahil ayaw niyang magsalita.

vuukle comment

CANNABIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with