^

Para Malibang

Aso iniligtas ang buong pamilya sa sunog

HAYUP SA GALING - Pang-masa

Kamakailan lang ay isang Twitter user ang nag-share ng heartwarming story tungkol sa kanyang asong si Hank na iniligtas siya at ang kanyang pamilya sa tiyak na kapahamakan.

Ayon kay Ulysses, anim na taon gulang na si Hank. Tulad ng ibang aso, mahilig din itong magngatngat ng sapatos at tsinelas. Pero ang hindi nila alam, may iba pa palang gawin ito.

Madaling araw nang magsimulang magtatahol sa sala si Hank. Tulog na ang misis ni Ulysses maging ang kanyang mga anak. Katatapos lamang daw niyang manood ng pelikula at naalarma siya dahil ayaw tumigil sa katatahol ng kanilang alaga.

 Bumaba siya sa sala para patigilin ito ngunit laking gulat niya nang makitang nasusunog na ang buo nilang bakuran maging ang mga puno. Malapit na rin ang apoy sa kapitbahay kaya naman nagawa rin nila itong abisuhan.

Agad na tumawag ng emergency si Ulysses. Abot-langit din ang pasasalamat niya kay Frank dahil kung hindi dahil dito ay malamang ay wala na sila.

Dahil kay Frank ay nai­salba rin nito ang kanilang pinaghirapang bahay at mga ari-arian.

 

vuukle comment

SUNOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with