^

Para Malibang

‘Di malilimutang pangaral ni nanay

ANGAS NG BAE - Pang-masa

“Napakaraming aral ni mama ang hinding-hindi ko makakalimutan.

Syempre, andiyan yung mag-aral akong mabuti na nung bata ako kinaiinisan ko kasi mas gusto kong maglaro ng teks. Andyan din magsimba palagi.

Pero ngayong naka-graduate na ako, lagi kong natatandaan ang aral na maging magalang sa kahit na sino, bata man o matanda, mayaman, at mahirap.

Dun ko natutunan na konektado yun sa lahat kasi kung may takot ka sa Diyos, automatic na ang lahat. Sa­lamat mama...” - Nor, Valenzuela

“Yung igalang ang mga kababaihan. ‘Wag na ‘wag sila sasaktan at babastusin. Bukod sa takot sa Diyos, takot din sa mga babae. Hehehe!” - Andrew, Rizal

“Wag daw pababayaan ang sarili. Dapat maging conscious sa mga kinakain at syempre matulog nang maayos. Dati hindi ko pa yun siniseryoso, pero yung lumaki ako dun ko naintindihan si nanay. Sisingilin ka pagtanda mo kapag hindi mo inalagaan ang iyong sarili.” - Reydante, Quezon City

“Maging maingat sa binibitawang salita dahil bawat isa sa atin ay may pinagdaraanan na problema.

Dapat maging sensitive tayo dahil malay mo ang isang taong inakala mong maangas at pinatulan mo ay may depresyon pala o ‘di kaya naman ay namatayan. Dapat maging maingat at huwag takaw away. Intindihin sila.” - Ar-Ar, Leyte

“Mag-aral nang mabuti at ibigay ang iyong best sa lahat ng bagay, ang paborito kong pangaral ni mommy. You only live once kaya kailangan make the most out of it. Thanks mom!” - Dom, Bataan

 

 

vuukle comment

NANAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with