Nanay napapraning sa outing
Dear Vanezza,
Lahat ng classmates ko ay kasama sa outing namin bilang graduate na kami ng senior high school. Pero bukod tanging ako lang ang hindi kasama dahil hindi ako pinayagan ni nanay. Napapraning ang nanay ko na baka may mangyari sa akin. Negative agad, wala pa ngang nangyayari. Bad trip tuloy ang summer ko. Ano ba ang dapat kong gawin? – Nancy
Dear Nancy,
Ganyan talaga ang mga nanay upang mailayo ka sa kapahamakan. Bakit hindi ikaw ang mag-organize ng outing o getaway ninyong pamilya para at least masaya si nanay na hindi siya mag-aalala kung iba ang iyong kasama.
Sumasainyo,
Vanezza
- Latest