^

Para Malibang

Zombie Family(28)

Gilda Olividado - Pang-masa

HALOS himatayin si Herman nang makapa niya ang ahas sa kinaroroonang madilim na kuweba.

Nananaig lang ang pagkalalaki kaya hindi pa siya naiiyak.

“Nasaan ka, Marga? Ilabas mo ako rito. Hinanap ko kayo ng mga anak natin para mailigtas sa kademonyohang ito. Bakit ngayon, ako pa ang kailangang mailigtas?”

Nang biglang may bumukas at lumagos ang liwanag ng buwan sa loob ng kuweba.

Saka lang nakakita kahit papaano si Herman.

Kuweba nga ang kinaroroonan niya. At ngayon ay nasa pinto sina Marga at dalawang anak nila. Bato na itinakip lang ang pinto ng kuweba.

Dilat pa rin ang mga mata at kumikiwal-kiwal ang mga dila ng tatlong zombies.

“Bakit mo dinala rito ang mga anak natin, Marga? Ano’ng ibig sabihin nito? Ano’ng plano mo?”

Tingin talaga ni Herman ay ngumisi ang zombieng Marga.

“Huwag kang mag-iisip ng kalaswaan, ha? Tulad ng ginawa mo sa akin! Kahit zombie na ang mga batang ‘yan hindi pa rin sila dapat makakita ng kalaswaan!”

Kumikiwal-kiwal lalo ang dila ni Marga.

At biglang naramdaman ni Herman na may nangyari noong siya ay nawalan ng malay. Ipinilit ng zombieng Marga ang sarili kay Herman.

Kinilabutan si Herman, kahit may relasyon sila, nandiri pa rin siya.

Ano na ngayon ang mangyayari na nag-sex sila ng isang zombie?

Magiging zombie na rin ba siya?

Pinaupo ni Marga ang mga anak nila sa isang tabi. Napaurong si Herman, naisip na kahit pa patayin siya ng kalaguyong zombie ay hindi siya papayag na may mangyayari na namang kalaswaan sa kanila.

Lalo pa sa harap ng dalawa nilang anak.

Oo. Magpapapatay na lang siya kay Marga kaysa magpakababoy sa mga mata ng mga bata.

Mabilis na nakapang­huli ng mga malalaking daga si Marga.

“Marga! Ano’ng gagawin mo sa mga ‘yan?”

Nasa dalawang kamay ni Marga ang mga malalaking daga, anim. Mabilis itong binigay sa dalawang bata.

At umungol si Marga, inutusan ang dalawang anak. Tigtatatlong daga ang bawat bata.             Naintindihan siya ng mga anak. Hayok na kinain ang mga daga.

Napasigaw si Herman, hindi kaya ang nakikita.-   ITUTULOY

 

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with