^

Para Malibang

Zombie Family (24)

Gilda Olividado - Pang-masa

HABANG tumatakbo sila sa lugar na iyon ay tumutulo ang mga luha ni Herman. Mas nana­naig ang awa sa kanyang pangalawang pamilya kaysa takot.

“Grabe! Sir, humahabol sila, ang bilis! Tuwid na tuwid sa pagla­lakad pero parang mga robot sa bilis!”

“Sige mauna ka na, ihaharang ko ang sarili ko sa kanila!”

“Ha? Bakit n’yo naman gagawin ‘yon? Takbo pa rin tayo tapos tumawag tayo sa mga sundalo! Mga sundalo lang siguro ang makakapigil sa mga ‘yan, raratratin sila ng mga matitinding armas! Para madurog ang mga ‘yan!”

“Ayokong isipin ‘yan para sa pamilya ko. Kaya kailangang mapigilan ko sila. Parang nakilala ako ni Marga, baka kaya ko siyang kausapin!”

“Sir, baka kainin kayo! Gutom ang pakikinggan nila hindi ang mga salita ninyo! Kaya tuloy lang ang takbo!’

Pero buo na ang loob na tumigil sa pagtakbo si Herman. At humarap sa mga zombies.

“Siiiiir!”

“Umalis ka na! Iligtas mo ang buhay mo!”

Nakita ng tauhan na kailangan na niyang makaalis para makahingi ng tulong.

Hindi rin naman niya kayang iligtas mag-isa si Herman.

Kaya binilisan na lang lalo nito ang pagtakbo habang inilalabas na ang celfone sa bulsa ng pantalon.

Pinindot ang emergency number hanggang sa may sumagot sa kanya.

“811, may I help you?”

“May mga zombies, hinahabol kami, dito sa halos paanan na ng bundok Sierra Madre, sa Talinoc! Bilisan ninyo! Ang umupa sa amin, hinarap sila, baka mapahamak siya!”

“Paano kami nakakasiguro that you’re reporting a real situation?”

Tumalikod ang tauhan at itinapat ang camera ng celfone sa nakatayong si Herman na naghihintay sa mga mabibilis na zombies.

“Oh, my God! Totoo nga!” Nayanig ang kausap sa 811 nang nakita sa kanilang monitor ang lahat.

Si Herman ay lakas-loob na kinausap si Marga. “Kilala mo ako, Marga. Ako si Herman. Mga anak, ako ang Daddy ninyo. Please tumigil muna kayo at mag-usap tayo. Huwag na kayong manakit, huwag na ka­yong kumain ng tao!”

Tumigil naman sa paglakad ang tatlo. Pero lalong humaba at bumilis ang paggalaw-galaw ng kanilang mga dila. Ang nakikita nila ay pagkain, hindi si Herman.

Itutuloy

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with