^

Para Malibang

Zombie Family (22)

Gilda Olividado - Pang-masa

BILOG NA BILOG nga ang buwan sa gabing iyon na si Herman at da­lawang lalaki ay magha­hanap ng mga palatandaan nina Marga sa lugar na iyon.

Mas nilalawakan na nila ang pinaghahanapan.

“Sir Herman!”

“Bakit?”

“Dito ho!”

Tinawag ni Herman ang isa pang lalaking sinasahuran. “Halika, mukhang may nakita si Tinoy.”

Nakalapit na sila sa pinakasulok na iyon ng lugar, maraming tanim.

Itinuro agad ni Tinoy ang madamong lupa na may tatlong umbok. “Tingin ko, kakaiba ang lupa diyan. Nakaumbok, e.”

“Oo nga.”

Inilapit nila ang tatlong flashlights sa kanilang kamay.

“At ang lupa dito, kahit may mga damo, mukhang mas sariwa kaysa dito sa paligid.”

“Tama ang obserbasyon mo, Tinoy.” Kinuha nito ang isa sa tatlong patalim na dala, binungkal ang lupa sa maumbok na bahagi.

“Malambot, mukha ngang parang kailan lang ito tinabunan.”

Kahit matapang, kinabahan pa rin si Herman. “Maghanda tayo. Kailangan nating … bungkalin pa ang lupa dito. Huhukayin natin. Titingnan kung ano ang nasa ilalim.”

Kinuha nila ang panghukay sa dalang sasakyan. Dalawang panghukay meron sila.

Naghukay sila nang naghukay.

Hindi pa malalim ang nahukay, natigilan si Tinoy. “Mukhang may natisod ang pala ko!”

“Ako rin!” Sagot naman ng isa.

Lumakas ang kabog ng dibdib ni Herman.

“Sige, hukay pa!” Matapang na utos nito.

NANG biglang kumilos ang lupa at mabilis na nakabangon si Marga. Dilat na dilat ang mga mata nitong nakatitig kay Herman.

Hindi tuluyang naagnas ang katawan at mukha ni Marga kahit sunog. Kilalang-kilala pa rin niya ito.

“Diyos ko! Marga!”

Bago pa nakakilos ang pinakamalapit kay Marga na si Tinoy ay natalon na ito ni Marga sabay sakmal sa leeg nito. - ITUTULOY

 

 

 

 

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with