Multong Bahay (126)
HANDA na namang magdasal sana nang taimtim at buong lalim si Agyana kasama ang mga ninunong kaluluwa.
Pero naalala niyang bigla si Don.
“S-sandali lang ... puwede bang ... bago natin uulitin ang napakalalim na pagdadasal na ... maaring ikamamatay ko na sa katandaan ... pupunta muna ako sa ... Maynila? Magpapaalam lang muna sana ako kay Don bago ako bumalik sa purgatoryo.”
“Ang taong mahal mo?” Tanong ng kalolo-lolohan ng multong buhay pero alam naman niya ang sagot.
Alam nilang lahat na mahal talaga ng kaluluwa na nasa katawan ni Agyana ang surgeon. Si Don.
“Mahal ko siya. Pero inuuna ko pa rin ang misyon ko dito sa lupa.”
“Nakikita naman namin ‘yan, Agyana. Sige ... pupunta tayong Maynila ... para makausap mo siya.”
“Hindi ka ba natatakot o nahihiyang humarap sa kanya? Ang tanda-tanda mo na, para nang pasas ang balat mo! Katawan ko ‘yan, iningatan ko ‘yan noong ako ang nasa katawan na ‘yan! Ngayon, ano na ang silbi niyan sa akin? Sinira mo, winasak mo! Kadadasal ninyo, ako ang nasisira! Tama ba ‘yon? Kabutihan ba ‘yon, ha?”
Hinarap ni Agyana ang multong buhay. “Kung mali man ito, patawad. Pero kami kasi, naniniwala na mas importante ang kaluluwa kaysa katawan. Tatanda at magiging hukluban ka rin sa paglipas ng panahon. Pero ang iyong kaluluwa, kapag hindi mo pinahahalagahan, isang daang beses na higit pa sa pagtanda ang aanihin in the future.”
Nawala na si Agyana, pati mga multong buhay.
Yanig ang multong buhay. “Mga hayup kayo! Talagang iniwan n’yo ako na ganito? Pira-piraso?”
Wala nang narinig sina Agyana dahil nasa labas na sila ng ospital kung saan doktor si Don. At kung saan nasa recovery room na si Donna.
HINDI nakilala ni Don ang huklubang nasa harapan. “L-Lola? Bakit po? Ano pong kailangan nila?”- ITUTULOY
- Latest