^

Para Malibang

Multong Bahay (74)

Gilda Olividado - Pang-masa

SA PURGATOR­YO, mainit na ang pagtatalo ng mga kaluluwang kanunu-nuan ni Agyana.

“Sumasamba na siya ngayon sa kalaban ng Diyos!”

“Oo nga! Kay Satanas!”

“Palagay ko nagkamali tayo ng disisyon. Na siya ay parusahan para tumino.” Iiling-iling ang isa pang lola ni Agyana.

“Huwag naman ka­yong masiraan kaagad ng loob. Ang disisyon ay pag-aari natin, pinag-usapan at lahat tayo ay pumayag. Saka natin inihain sa langit. At may merit ang ating intensiyon kaya pumayag ang Panginoon.”

“Pero tama pa ba ito? Ordinaryong tao lang si Agyana na naliligaw, puwede pa ring magbago habang siya ay buhay, pero hindi na tayo nakatiis. Pinakialaman na natin siya.”

“Dahil mahal natin siya.”

“At dahil hindi natin alam kung kailan siya mamamatay. Maaring malapit na maaring matagal pa. Hindi ba nag-aalala tayo na baka maaga pala siyang mamamatay na ganoon pa rin siya kasama?”

“Tama. At baka mapupunta siya sa impiyerno, hindi na rito sa atin.”

“Valid naman ang mga dahilan natin. Kaya lang, nakakatakot na itong nangyayari. Demonya na ang multong buhay, pag-aari na siya ng kadiliman.”

“Nandodoon naman ang malinis na kaluluwa sa purgatoryo. Ang Agyana ngayon. Siya ang makakapagdala kay multong buhay sa pagbabago.”

“At alalahanin din ninyo na may katulong na ngayon ang kaluluwang malinis, ang batang si Kerubina.”

“Baka hindi na nila matutulungan ang aking apo sa tuhod.”

“Hindi matibay ang paniniwala mo, Inca. Malinis na ang iyong kaluluwa dapat ay lubos na ang tiwala mo sa intensiyong kabutihan.”

“Intensiyon ng kabutihan na ang ibubunga ay maganda? Pero sa nangyayari ngayon, kinakabahan na ako sa ating naging disisyon.”

Wala nang nagsalita.

May kanya-kanya pa ring paniniwala. Pero hating-hati sila. Itutuloy

vuukle comment

MULTONG BAHAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with