^

Para Malibang

Multong Bahay (61)

Gilda Olividado - Pang-masa

INULIT ni Don ang pagtatanong. “Paano na ang ... nararamdaman ko para sa iyo?”           

“Magkaiba tayo, Don. Matagal na akong patay. Isa na lang akong kaluluwa na namamahay sa katawan ni Agyana.”

“Pero hindi lang naman ang itsura mo ang nagpapatibok ng puso ko. Higit pa doon. You are special.”

“Dahil nga isa na akong malinis na kaluluwa. At naghihintay na lang na kunin ng langit.”

“Ibig sabihin, my love is doomed from the start?”

Malungkot na ngumiti si Agyana. “How I wish I can answer that question. Pero kahit ako, hindi alam ang lahat na plano ng Diyos.”

Napabuntong-hininga ang binatang surgeon. “Ang selfish ko naman kung ito lang sarili kong concern ang tututukan ko ng isip ngayon.”

“Yes. Kasi, may problema ang inyong pamilya. Kahit ang ibang tao. Dahil sa buhay na multo.”

“Nananakot siya. Kahit alam niyang magbubunga ng kapahamakan sa tao ‘yon. My mother, tinakot niya nang husto. Kaya tuloy may psychiatric treatment siya ngayon at nahihirapan. Naaawa rin ako sa Dad ko dahil may edad na siya at hindi makakatulog nang normal gabi-gabi dahil sa pag-aalala sa aking Mama.”

“I’m  sorry, Don. Gusto lang namang patinuin ng mga kanunu-nuan si Agyana. Hindi nila akalaing magkakaganito.”

“Ano pa ang nakini-kinita mong idudulot na problema ng multong buhay?”

“If she asks the help of the other side. At papayag ang kalaban ng Diyos. Marami ang mapapahamak.”

Napailing si Don. “Eh, de mali nga na pinakialaman pa ng mga kanunu-nunuan ang tunay na Agyana?”

“Don’t blame them. May mga kapasyahang ang purpose ay mabuti. Sa mga mata ng Diyos, walang ginawang kasalanan ang mga kanunu-nunuan dahil maganda ang kanilang hangarin.”

“So paano i-prevent na maging mapanganib ang multong buhay?”

“Wala  namang kasiguruhan ang buhay. Ang importante, prepared tayo. At handang lumaban.”

Napatitig si Don sa napakagandang mukha ng kausap. “Hindi nagbabago ang pagtingin ko sa iyo.”

“Don, hindi ako puwedeng magsinungaling. Kaya sasabihin ko na sa iyo ang totoo. I’m also attracted to you.”

Itutuloy

vuukle comment

MULTONG BAHAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with