^

Para Malibang

Ang misteryo sa likod ng ‘Halloween’

MRYOSO - Pang-masa

Sa katatapos lang na Undas, malamang ay mara­ming bata na naman ang nag-ipun-ipon sa gilid ng mga kalsada para magkuwentuhan ng mga kababalaghan at magtagu-taguan habang bilog ang buwan.

Paligsahan ang ilang mga bata sa pagbabalandra ng kanilang nakakatakot na costume para makakuha ng maraming kendi, ngunit saan nga ba nag-umpisa ang tinatawag nating “Halloween” at bakit pati sa Pilipinas ay inuumpisahan na rin itong gawin?

Ayon sa kuwento ng iba, ang Halloween ay isang tradisyon na idinadaos tuwing ika-31 ng Oktubre kung saan makikita ang mga sinaunang tao sa kakaibang kasuotan at maskara. Kailangan daw nilang itago ang kanilang mukha at totoong pagkakakilanlan upang lituhin ang demonyo at iba pang masasamang espirito para hindi sila makuha.

Ayon naman sa iba, noong unang panahon daw ay talamak ang mga kulto, satanista, at mga taong gumagamit ng itim na mahika para sa kanilang sariling kagustuhan at paniniwala. Kakatok daw ang mga ito sa mga tahanan para manghingi ng alay, kung sino raw ang birhen sa pamilya, iyon daw ang kailangan nilang ibigay. Kung hindi, buong pamilya ang mamamatay.

Ang kendi na marahil ang katumbas ngayon ng hinihinging alay tuwing Trick or Treat. Ganunpaman, ano man ang ating mga paniniwala at tradisyon, importante pa ring panatilihin ang paniniwala sa Diyos at alalahanin ang ating mga namayapang mahal sa buhay.

 

 

 

 

vuukle comment

HALLOWEEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with