^

Para Malibang

Kabastusan sa South Korea

KULTURA - Pang-masa

Sa buong mundo ay may iba’t ibang kultura at ideas kung paano kumilos sa publiko. Upang maiwasan na mapahiya ay alamin ang mga do’s and don’ts ng etiquette sa ibang bansang papasyalan. Gaya ng pag-tour sa South Korea na isa sa bucketlists ng mga Pinoy dahil sa pagkawili sa mga K-Pop at K-drama na nilamon na ng system ang maraming fans sa Korean actors. Pero importante na alamin ang mga practices sa South Korea.

Tandaan na manatiling tahimik sa publikong transportation. Ang pag-iingay o pagsasalita ng malakas ay kinokonsiderang kabastusan sa kanila. Kung papasok naman sa isang bahay ay iwanan ang sapatos sa labas. Mayroon din ibang restaurant na hindi big deal kung magsuot ng sapatos sa loob ng restaurant. Kahit mara­ming bahay sa South Korea na sumusunod sa western style na pamumuhay, madalas ay sa sahig pa rin sila kumakain o natutulog. Pinapanatili ng mga Koreans na malinis ang kanilang floor kaya marapat lamang na maghubad ng tsinelas o sapatos ng isang bahay.

Samantalang hindi rin kaugalian sa South Korea na bigyan ng tip kung nasiyahan sa kanilang serbisyo. Kahit may ilang lugar o okasyon na kailangang mag-abot ng tip, pero sa pangkalahatan ay hindi ito nakasanayang practice sa South Korea. Kung natuwa sa service, nasa desisyon na ito ng taong turista na mag-iwan ng tip sa restaurant, taxi driver, hairdresser, at iba pa bilang pagpapakita ng gratitude o pasasalamat. Puwede nakangiting tanggapin ito ng ilang Korean, meron din tumatanggi na nagsasabi ng pasasalamat na lamang.

Huwag din tatawagin ang Korean na gamit ang palad na pataas na bukas ang kamay. Bilang hudyat na lumapit ang isang tao. Offensive ito sa mga Koreans, dahil ang ganitong gestures sa kanila ay hindi pantawag sa tao, kundi sa mga hayop lamang. Kung tatawagin ang Korean ay nakabukas ang palad pababa na nakaharap sa katawan na sabay kaway sa isang indibidwal.

vuukle comment

KULTURA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with