^

Para Malibang

Multong Bahay (31)

Gilda Olvidado - Pang-masa

NAALIW ang boss ni Agyana sa kuwento ng pamangkin. “Sa totoo lang, gusto ko kayong ipakilala sa isa’t isa. Dahil ... malay mo, may mabubuong something sa inyo. Impressed kasi ako ngayon diyan kay Agyana. Noon pa sobrang talino, sobrang galing sa trabaho. At ngayon, hanga na rin ako sa ganda ng ugali.”

“Bakit noon, hindi ka hanga sa kanyang ugali, Tita?”

“Hmmnnn ... hindi nga. Pero nagbabago pala ang tao, ‘no? And you can feel the sincerity. So type ko na siya para sa iyo. Kasi wala ka pang girlfriend, e. Aba, Don ... baka naman tatanda ka na lang na puro operasyon ang buhay. Then you will be a very lonely surgeon.”

“Hahaha! Not now, Tita. I think I’m in love. At first sight!”

“Let me guess, with Agyana?”

“Yes!!! Paano kaya, Tita para magkakuwentuhan pa kami? Para naman mayaya ko kaagad ng date.”

“Ang bilis naman!”

“But Tita, I’m thirty! Soon, wala na sa kalendaryo! Kailan pa ba ako magkaka-girlfriend? Kapag thirty plus na? The sooner, the better!”

“Oo nga naman. Hayaan mo, di ba lalabas tayo for lunch? Si I’ll invite her in!”

“Thanks, Tita! Thanks!”

NASA clinic ngayon ang mag-asawang Aguilar.

Kausap ang psychiatrist na kaibigan din nila.

“Zachary, our son Don said to see you. Grabe ang pagkatulala kagabi ng darling ko, nang magising ako. Buti nga nahimasmasan, e.”

“Alright. Tama naman si Don. Psychiatrist ang dapat lapitan kapag ganyan ang symptom.”

 “Pero hindi ako nababaliw, Zachary, ha?”

“Of course not. Ang daming kasong tinitingnan ng mga psychiatrists na ang layo sa kaso ng kabaliwan. Don’t worry. But tell me, ano ba kasi ang nangyari? Bakit ka nagkaroon ng ganoong reaksiyon? What happened? May nag-trigger noon, I’m sure.”

Hindi naman maka­sagot ang ginang.

Naalala niya ang nakakatakot at nakakadiring multo na nakatunghay sa kanya, nandidilat pa ang mga gutay-gutay na mata.

Nakaramdam siya ng panginginig kahit naaalala lang iyon.

“Darling? Tinatanong ka ng psychiatrist mo. We need an answer. Kagabi pa ako nagtatanong sa iyo pero hindi mo ako sinasagot.”- ITUTULOY
 

 

vuukle comment

MULTONG BAHAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with