^

Para Malibang

Multo ng babaeng pinatay ayaw umalis sa haunted na bahay

MRYOSO - Pang-masa

May isang abandonadong bahay sa India ang pinaka-iiwasang puntahan o madaanan man lang ng mga tao sa lugar ng Bangalore. Taong 1943 nang ito’y itayo, at binili ito ni EJ Vas bilang regalo sa kanyang dalawang anak na babae, sina Vera at Dolce.

Taong 2002, nang patayin si Dolce sa mismong bahay, sa harap mismo ni Vera. Sa sobrang panic niya, inilibing niya nang biglaan ang bangkay ni Dolce sa likod ng kanilang bahay. Doon na raw nagsimula ang mga pagmumulto ni Dolce na tila ba galit na galit.

Madalas daw marinig ng mga kapitbahay ang mga pag-iyak nito gabi-gabi, sa tuwing may mga pumapasok din daw sa nasabing bahay ay nagkakaroon sila ng mga sugat at mga kalmot. May mga nakakarinig din ng pagtugtog niya ng piano na madalas niyang gawin noong nabubuhay pa siya.

Sinubukang ibenta ang nasabing bahay pero dahil sa negative forces nito ay wala nang gustong bumili. Kahit nang gibain ang mismong bahay at lupa na lang ang natitira, ‘di pa rin ito tinantanan ni Dolce.

vuukle comment

BAHAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with