^

Para Malibang

Pangalawang Anino (491)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

BIGLA na lang dumating ang prinsepe ng kadiliman.

Nasa pinto ito ng simbahan.

“Bitiwan mo si Angela …”

Napalingon sina Nanette.

Kahit nakilala na ni Nanette ang prinsepe dati, hindi niya ito ngayon namumukhaan.

Dahil para sa kanyang mga mata ay guwapo pero iba ang mukha ng prinsepe ng kadiliman.

Ngayon lang niya nakita.

“Sino ka?” takang tanong ni Ariel.

Napangiti si Angela nang makita ang prinsepe. Para sa kanyang mga mata, hindi nagbago ang itsura nito.

Ito pa rin ang kanyang makisig at puno ng karisma na prinsepe. Ang kanyang panginoon ngayon.

Hindi pa napagaling ng kapangyarihan ni Nanette si Angela kaya nang makita nito ang prinsepe, nawala sa trance at sa isang iglap ay pinalis ang kamay ni Nanette sa kanyang ulo.

At tumakbo papalapit sa prinsepe ng kadiliman.

Yumakap.

“Aking prinsepe, ginawa ko ang gusto mo. Binastos ko ang tahanan ng kanilang Diyos! Sana natutuwa ka!”

“Natutuwa ako, aking Angela. Kaya nga sinusundo kita. Hindi ko hahayaang sasaktan ka ng mga ‘yan!”

Nasasaktan naman si Ariel nang makita ang yakapan ng dalawa. “Angela …?”

“O, bakit, Ariel? Akala mo ikaw ang mahal ko? Iyan ang gusto mong paniwalaan ng mga tao, ‘di ba? Mali ka! Hindi kita mahal! Hindiii! Pag-aari ako ng aking prinsepe!”

Naluha si Ariel. “Angela, paano mo nasasabi ‘yan? Ilang beses na ta­yong nagsumpaan sa altar na habang-buhay tayong magmamahalan …”

“Kung ginawa ko man ‘yon, pinilit mo lang siguro ako! Nakakadiri kaaa! Hindi kita kayang mahalin!”

Nagalit si Ariel pero hindi kay Angela kundi sa prinsepe ng kadiliman. “Ano’ng ginawa mo sa mahal ko? Nilason mo ang isip niya! Napakabuti ni Angela pero sinalinan mo siya ng kademonyohan!”

At bago pa napigil nina Nanette at Arturo si Ariel, nasugod na nito ang prinsepe para manuntok.  Itutuloy

 

vuukle comment

PANGALAWANG ANINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with