^

Para Malibang

Pangalawang Anino (487)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

KINAPITAN pa ng prinsepe ng kadiliman ang mga kamay ni Angela.

Kinilig ang unang anino. “Aking prinsepe ...”

“Kaya mo ba ang ipinagagawa ko sa iyo? Kaya mong bastusin ang simbahan para matuwa ang aking ama?”

“Oo, aking prinsepe. Higit pa sa mga ‘yan gagawin ko para ka sumaya.”

“Then go. Just focus on this, ito muna ang gusto kong gawin mo.”

“Aalis na ako, aking prinsepe. Gagawin ko na ang mga utos mo.”

SA LOOB ng simbahan, dahil wala sina Angela at Ariel, ang pari muna ang nagpupunas ng altar.

“Babalik si Angela, ibabalik siya ni Ariel. Hindi papayag ang dalawang iyon na mapapabayaan ang simbahan. Pero habang wala sila, ako muna ang maglilinis dito kapag walang misa. Okay lang, basta para sa Panginoon.”

“Father ...”

Biglang napalingon ang pari at natuwa. “Angela!”

“Ako nga ... “ Nakangiti pa si Angela.

Kaya akala ng pari ay ayos na ang lahat.

“Sabi ko na nga ba’t babalik ka, e. O, nasaan si Ariel? Sina Nanette at Arturo ... hindi ka ba sinamahan pabalik dito?”

“Hindi. Hindi ko naman sila kailangan, e.”

“Bakit naman? Teka, ano’ng ibig mong sabihin, iha?”

“Bumalik ako rito dahil ginusto ko.”

“Aba, mabuti naman. Kusa kang bumalik sa simbahan na mahal mo.”

“Mahal? Huwag mo nga akong galitin! Hindi ko mahal ang simbahang ito!”

Nayanig ang pari. “Angela! Ano ba ‘yang mga sinasabi mo? You’re not okay! Something is wrong! Hindi ka magsasalita nang ganyan tungkol sa simbahan dahil wala kang gustong gawin kundi magsilbi sa ating Diyos!”

“Hindi na ngayon! Hindi na ako tanga! Galit ang aking prinsepe sa simbahang ito kaya ...”

At biglang sumugod si Angela sa altar na maingat na pinupunasan kanina ng pari.

Tinabig ng unang anino ang mga sagradong bagay doon. Ang mga bulaklak na nasa vases ay kinuha at ibinagsak sa marmol na sahig ng simbahan.

Nabasag ang vases. Ang mga bulaklak ay pinagtapak-tapakan ng unang anino.

Hindi pa nakuntento, pati ang pinakasagradong bagay sa altar ay kinuha at ibabalibag pero napigil na ito ng pari. “Huwag mong gawin ‘yan, Angela!”

Itutuloy

 

vuukle comment

PANGALAWANG ANINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with