^

Para Malibang

‘Virginity for Sale’

GRABE NA ‘TO - Pang-masa

Isang 26 anyos na estudyante sa London ang nagbenta diumano ng kanyang virginity sa isang sikat na website na kung tawagin ay Cinderella Es­corts. Ang website na ito ang takbuhan ng halos karamihan ng mga babaeng gustong umahon sa kahirapan sa pamamagitan ng pagbenta ng kanilang sarili o ‘di kaya naman ng kanilang puri.

Isa si Jasmin sa mga ito, na sa una ay aminadong isa siyang makalumang babae na naniniwala sa tradisyon na ibibigay lamang ang pagkababae pagkatapos ikasal, pero hindi na raw siya makapaghintay. Kaya naman sa edad na 26, nagpasya na siyang ibigay ang virginity na matagal niya nang iningatan.

Isinalang si Jasmin sa isang auction, kung saan isusubasta ang kanyang pagkababae. Magpapata­asan ang mga kalalakihan para makuha siya.

Tatlong lalaki ang nag­laban sa bidding, isang Munich businessman, Premiere League footballer, at Hollywood actor from Los Angeles.

Naka-date niya ang tat­long ito bago magka-alaman kung sino ang mananalo. Ayon kay Jasmin, mababait ang tatlong lalaki, pero ang pinaka gusto niya sa lahat ay ang Hollywood actor.

Nagsimula ang bidding sa offer ng footballer na £523,000, pero agad naman itong tinapatan ng businessman sa offer na £960,000. Pero natalo ang dalawa, nang mag-offer ng £1million ang nasabing Hollywood actor.

Masaya si Jasmin na makilala ang aktor pero ‘di na siya nag-expect na makukuha siya nito.

Nag-bid din ito sa isa niyang kasamahan, pero may nakakuha na rito, kaya kay Jasmin na lang siya nag-bid.

Ayon sa agency, bago isalang sa bidding ang mga naka-auction, sumasailalim muna sila sa psycho­logy test, nakapasa si Jasmin doon, at ngayon ay maligaya siya sa kanyang naging desisyon.

vuukle comment

VIRGINITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with