^

Para Malibang

Simple o engrandeng kasal?

EMOTE NG PABEBE - Pang-masa

“Sa ngayon ay wala po akong girlfriend, pero kaya ko po sagutin yung tanong na kung ano ang gugustuhin ko, kung bongga o simple lang. Mas pipiliin ko yung bongga. Isang beses lang po kasi yun mangyayari. Bale yun na rin yung paraan para ipaalam ko sa pamilya ng pakakasalan ko na kaya ko siyang buhayin. Saka gusto kong makita ng mga bisita na hindi sayang ang kanilang pagpunta. Gusto ko silang busugin sa marami at kakaibang mga pagkain.” - Nikko, 25.
“Mas mabuti kung simpleng kasal lang. Kasi ang mas mahalaga is yung pagsasama n’yo at kung gaano katotoo ang mamahalan n’yo sa isa’t isa. Yun po ang magtatagal sa memo­ries natin bukod pa sa kasal.” - Rico, 29

“Madaling sabihin na gusto mo yung simple lalo’t gusto mo talaga magtipid. Malapit na rin akong ikasal at napili namin ng fiancee ko simple lang ang kasal. Pero pagkatapos noon ay pumili kami ng bonggang honeymoon. Doon ako bumawi sa magiging misis ko. Sa Japan kami magha-ho­neymoon. Hehe.” - Gio, 34

“Sa magarbong kasal ako. Gusto ko ipakita sa ma­papangasawa ko at maging sa pamilya niya na sobrang mahal ko siya at blessed ako nang dumating siya sa buhay ko kaya bilang pasasala­mat. Yung magandang kasal na ang maibibi­gay ko.” - Erickson, 28
“Kahit ano po sa akin. Ang masusunod naman yung girlfriend ko. ‘Di rin ako tutol sa magarbong kasal kasi para sa ilang babae, yun ang makapagpapasaya sa kanila. At yun ang importante sa akin.” - Adrian, 27

 

vuukle comment

KASAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with