^

Para Malibang

Pangalawang Anino (445)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

BAWAT kilos ni Nanette ay gustung-gustong pagmasdan ng anak ng hari ng mga demonyo.

Ang ngiti nito, nagbibigay sa kanya ng aliw.

Ang bawat paghaplos nito sa may sakit, tumatalab sa kanya.

Sa isang paraan na maganda sa pakiramdam.

May maganda siyang pakiramdam? Tanong ni Lucifereo sa sarili.

Kailan pa? Ni hindi niya alam ang pakiramdam na ito. Paanong nangyari na ngayon ay marunong na siyang tumawag ng ganitong klaseng pakiramdam.

Mabuti na lang at talo pa sa timbangan ng katotohanan ang kanyang amang hari.

Kaya malaya siya sa pag-explore ng kanyang sarili sa ngayon.

Dadaan na pala sa tapat niya si Nanette, buti na lang bago siya nakita ay nakapagtago kaagad siya sa isang bahagi ng ward.

Hindi naman siya nakita.

Pero natigilan sa paglakad si Nanette.

Para siyang may nararamdaman. Lumingon siya.

Wala naman siyang nakikita.

Tumuloy na siya sa paglabas ng ospital.

Nagulat siya sa sumalubong sa kanya.

“Oy, Arturo ...”

“Malapit lang dito ang construction site namin kaya ako pumunta.”

“Ganoon ba?”

“Mag-lunch naman tayo.”

“Ha? Eh ...”

“Nanette, lunch lang naman.”

“Hindi kaya magtatampo si Yawan?”

“Ako na ang bahala sa kanya. Dadalawin ko rin naman siya. Alam ko naman kung saan na siya nangu­ngupahan ngayon dito sa Maynila. Nag-text siya sa akin last week.”

“Siguro pagdalaw mo, sasabay na ako. Kasi hindi pa kami nagkikita since pumunta siyang Maynila.”

“That’s a good idea.”

Parang nakahinga nang maluwag si Arturo dahil hindi sila makapagsarili ni Yawan.

“Pero aalis din naman kaagad ako pagdalaw natin. Siyempre, dapat may time kayong dalawa. Inaasahan iyon ni Yawan.” Masayang nakangiti si Nanette.  -  ITUTULOY

 

 

vuukle comment

PANGALAWANG ANINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with