Pangalawang Anino (443)
MALIGAYA sina Angela at Ariel.
Larawan ng kapayapaan ang ganda ni Angela.
“Salamat sa Diyos at hindi ka na ginugulo ng hari ng mga demonyo, Angela. Dahil kaya panay ang dedication ni Father ng mga misa para sa iyo?”
“Siguradong nakakatulong ang mga ‘yon, Ariel. At saka siyempre ang mga dasal natin. Sabi nga nila in english, We stormed heaven with prayers.”
“Makapangyarihan talaga ang mga dasal sa ating Diyos.”
“Iyon nga ang nararamdaman ko, e. Kaya tuluy-tuloy lang ang mga dedication ng misa. At saka ang pag-ulan natin ng mga dasal sa langit.”
“At singitan na rin natin ng pangangarap at pagpaplano ng ating kasal.”
“Pero siyempre simpleng kasal lang. Para naman hindi magiging kontrobersiyal. Kasi isa lang akong anino na ikinakasal sa tao.”
“Huwag mong nila-lang na anino ka, Angela. Lahat na gumagalaw, nabubuhay dito sa mundo ay ginawa ng Diyos. May halaga. Lalo na ikaw dahil para kang isang magandang milagro. Isang anino na marunong magmahal, magmalasakit sa iba, magpaganda ng altar ng simbahan ... you are so much, Angela.”
“Talaga? Pinapalakas mo ang loob ko, Ariel. Ang sarap palang mabuhay na parang tao.”
Masuyong hinagkan ni Ariel ang mga labi ng unang anino.
Para pa ring hindi makapaniwala si Alona na anyong tao na siya.
Napakasayang nagpasayaw-sayaw sa malalambot na damo ng bundok ng Kabanalan.
Naiinggit tuloy si Yawanaya sa ina.
“Sige, magpakasaya ka na lang! At ako, mabubulok dito!”
Natigilan sa pagsayaw si Alona.
Agad lumapit sa pangalawang anino.
“Sorry na, anak. Natuwa lang naman ako kasi tao na uli ako. Hindi na nakakatakot. At malaya na at least dito sa bundok ng Kabanalan.”
“At paano ako? Wala pang solusyon kung paano ako makalabas dito.”
“Pag-iisipan natin. Basta, iisa lang naman ang paraan, e. Matuto kang magpakabait. Iyung totoo talaga na kabutihan sa puso mo.”
“Ni hindi ko alam kung paano ‘yon! Kung paano magsimula!”
Nag-isip si Alona.
“Alam mo, pakinggan mo kaya ang mga huni ng ibon, ang mga tunog ng iba-ibang hayop dito?”
Itutuloy
- Latest