^

Para Malibang

Pangalawang Anino (435)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

HINDI magawang patayin ni Lucifereo ang totoong Arturo. Dahil kapag pinatay niya ito mawawalan na sila ng kapangyarihan para gayahin ang mukha ni Arturo.

“At kailangan mo pa ang mukhang ‘yan para si Yawan ay malinlang mo. Mapaniwalang totoo ang pag-ibig pero saka mo ibabagsak, Lucifereo!”

“Tama, ama. May pakinabang pa sa atin ang Arturong ‘yan.”

“Kaya umalis ka muna diyan. Hayaan mong ang totoong Arturo muna ang makausap ni Yawan.”

“Pero iba siyempre ang ikukuwento at mga sasa­bihin ni Arturo. Dahil iba naman ang kuwento ng pagpapanggap ko kay Yawan.”

“Palagay ko hindi naman magkakabukuhan. Aakalain lang nila hindi sila nagkaintindihan. O kaya nakalimutan lang nila ang mga detalye. Basta, umalis ka muna diyan.”

Sumunod naman si Lucifereo.

Napatingin siya sa langit.

Nakita niyang napakarami ng mga bituin. Kumpleto.

“Ang kalangitan ay pabor na pabor sa kapangyarihan ng mabait na Diyos. Ibig sabihin, kapag ngayon ako gumagawa ng bawal para sa aking ama, hindi niya malalaman. Masyadong makitid ngayon ang kapangyarihan niya at tingkad na tingkad naman ang sa mabait na Diyos. Libre akong ... dumikit kay Yawan.”

Parang kiniliti ang dibdib ng anak ng demonyo.

Hindi na naman niya makayang intindihin ang nangyayari talaga sa kanya.

At may naisip siya. “Mahal na mahal pa kaya niya si Arturo? Ano kaya kung susubukin kong alamin? Nang hindi ko siya kailangang tanungin?” Biglang nagpalit ng mukha si Lucifereo, kamukha na naman siya ni Arturo.

At pinuntahan niya si Nanette.

NAGBALIK naman ang tunay na Arturo sa tinitirhan ni Yawan, hindi maatim na di man lang ito kausapin. Ang nagpanggap na teenager na babae na si Lucifereo pala ay sinabi sa kanya na umalis si Yawan.

Pero balak na ng totoong Arturo na kung wala pa nga si Yawan ay hihintayin na lamang niya.

Pinatuloy ni Yawan ang totoong Arturo, masayang-masaya ito. “Akala ko hindi ka na dadating!”

Nagpakita naman si Lucifereo/Arturo kay Nanette, tuwang-tuwa ang dalagang banal. “Arturo! Ang tagal mong nawala! Ang saya ko na nagpakita ka!” Itutuloy

vuukle comment

PANGALAWANG ANINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with