^

Para Malibang

Pangalawang Anino (378)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

HALOS nadi-disappoint na ang hari ng kadili­man sa bagong paborito. “Mukhang nagpapatalo si Yawanaya sa takot!”

“Nakikita ko sa isip na gusto niyang manakit sa pamilya ni Nanette. Pero kapag nakukoryente siya ng protective circle na bigay ni Nanette sa kanyang pamilya, natatakot kaagad!”

“Kaya walang nangyayari! Dahil effective ang kanyang kapangyarihan kapag wala siyang takot! Sugod lang nang sugod!”

“Pero akala ko ba, panginoon ng kadiliman, may ibibigay kang bago at kakaibang kapangyarihan? Sana ibigay mo na. May pag-asa pa ‘yang si Yawanaya. Give up ka na nga kay Yawan, pati ba naman sa pangalawang anino give up ka na rin?”

“Nawawala kasi kaa­gad ang pasensya ko! Lalo na nga ganyan, nakita kong nininerbiyos!”

“Bigyan mo muna ng kakaibang kapangyarihan, panginoon. Iyung nakakayanig talaga! Huwag mong ubusin ang mga alagad mo! Sayang nga din ‘yon si Yawan, e. Hayun, nagninilay-nilay na lang sa magandang lugar. Sarap buhay, tayo nawawalan ng kakampi!”

“Huwag mo munang panghinayangan. Saka kung gusto kong bawiin, mababawi ko naman, a! Basta sa ngayon, rejected muna siya. At ... nanganganib din na mari-reject ko muna ang Yawanayang ‘yan!”

“Panginoon, makinig ka naman. Ibigay mo na muna ang bago at kakaibang kapangyarihan kay Yawanaya!”

 “Heto na nga! Avumm ... srakunnn ...tskunnnn!” At umusok ng napakaitim ang buong katawan ng panginoon sa dilim.

Umikot nang umikot muna ang maitim na usok sa panginoon ng kadiliman. Saka mabilis na umakyat sa hangin at naglakbay.

Si Yawanaya ay titingin-tingin lang sa bahay ng pamilya ni Nanette. Madilim ang paligid dahil gabi.

Humalo sa dilim ang pangalawang anino kaya hindi nakikita.

Ang makapal na itim na ulap ay heto na, babagsak na at yayakap sa buong katawan ng pangalawang anino.

Binalutan ng maitim na usok si Yawanaya.

Nang mawala ang usok ay wala nang makikitang higanteng pangalawang anino.

Kundi isang itim na kuting na lamang. Na cute na cute.  Itutuloy         

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with